^

PSN Palaro

Shell humugot ng deciding fifth game

-
Naipuwersa ng Shell Velocity ang do-or-die game kontra sa Barangay Ginebra matapos ang kanilang 78-67 pamamayani sa Game Four ng kanilang PBA All-Filipino Cup semifinal series sa PhilSports Arena kagabi.

Tabla sa 2-2 win-loss slate ang Turbochargers at Gin Kings sa kanilang best-of-five kung kaya’t ang deciding Game Five sa Biyernes sa Araneta Coliseum ay tiyak na punumpuno ng aksiyon.

Diniskaril ng Shell ang tangkang pagbangon ng Gin Kings matapos umabante ang Turbochargers ng 9 puntos papasok sa final canto.

Matapos makalapit ang Ginebra sa 67-69 sa tres ni rookie Mark Caguioa, sinuklian din ito ng tres ni Chris Jackson upang sindihan ang 9-0 produksiyon na sumelyo sa kanilang tagumpay.

Tumapos si Jackson ng 18 puntos tulad ni Gerry Esplana na humataw naman sa ikalawang quarter kung saan humakot ito ng 11 puntos sa naturang quarter habang nag-ambag naman ng 14 at 11 puntos sina Benjie Paras at Mark Telan, ayon sa pagkakasunod.

"Chris (Jackson) and Gerry (Esplana) put up shots when they really mattered most," wika ni Shell coach Perry Ron-quillo. "It’s going to be a war in Game Five but I’m glad that were coming in on a positive note."

Buhat sa 62-53 kalamangan ng Turbochar-gers, pinangunahan ni Caguioa ang Ginebra sa paghakot ng 9 puntos sa 14-7 run upang makalapit sa 67-69 ngunit ang pag-aalsang ito ng Gin Kings ay hindi nila nasustinahan.

Nabalewala ang pinaghirapang 16 at 15 puntos nina Jun Limpot at Caguioa ayon sa pagkakasunod dahil sa kanilang nalasap na kabiguan.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang San Miguel Beer at Pop Cola Panthers sa Game Four ng kanilang sariling best-of-five series kung saan kapag nagwagi ang Beermen ay pormal na magluluklok sa kanila sa best-of-seven championship series.

Samantala, nilibas na ng Intensive Care Unit (ICU) ng Capitol Medical Center si PBA commissioner Jun Bernardino at inilipat na sa pribadong kuwarto.

Si Bernardino ay na-ICU kamakalawa ng hapon dahil sa paninikip ng dibdib at pagkahilo habang ito ay nakabakasyon sa Baguio kasama ang kanyang pamilya.

Si Bernardino ay dumaranas ng irregular heartbeat at mahigpit na mino-monitor ng kanyang mga doktor at pamilya.

At sa bilis ng progreso ng kanyang kondisyon inalis na siya sa ICU ng mga doktor.

Pansamantalang OIC si Renauld Barrios, ang executive director ni Bernardino hanggang sa gumaling at makabalik na ng trabaho ang commissioner.(Ulat ni Carmela Ochoa)

ALL-FILIPINO CUP

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

GAME FIVE

GAME FOUR

GIN KINGS

SI BERNARDINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with