Tinalo ng Adamson ang Bacolod City, 4-3, bago isinunod ang PUP 13-1, habang binokya naman ng RTU -Mandaluyong ang PUP, 5-0 at ang Batangas U, 3-0 upang ilista ang dalawang sunod na panalo sa ganoon ding dami ng asignatura sa tournament na ito na huling ginanap noong 1974 sa siyudad ding ito. Ngayong taon ito ay muling binuhay sa pamamagitan nina dating Bulacan Governor Obet Pagdanganan at Malolos Mayor Resty Roque na may suporta mula sa Philippine Sports Commission sa koordinasyon ng ASAPhil (Amateur Softball Association of the Philippines).
Tabla ang iskor sa 3-all matapos ang sixth inning, pinalo ni catcher Jenny de Jesus ang bola sa ikaapat na pitched at napunta ang bola sa labas ng centerfield para sa isang home run upang itala ang go-ahead run na siya nilang naging winning run.
Unang umabante ang Ilongas mula sa Bacolod City sa first inning nang umiskor ang left fielder na si Vanessa Casarao ng run-scoring single.
Gayunman ito ay naitabla ni Karen Arribal sa third inning sa solo homerun ang iskor sa 1-all.
Sa iba pang laro, bumawi ang Bacolod City sa kanilang natamong kabiguan matapos na bugbugin ang Negros Oriental, 17-0 sa regulated 4 1/2 inning.