^

PSN Palaro

PBL at PYBL games kanselado

-
Kinansela ni PBL Commissioner Chino Trinidad ang magkasunod na dalawang laro ng PBL at tatlong laro naman ng PYBL sa Makati Coliseum dahil sa pagdiriwang ngayon ng Labor Day.

"We were advised na baka wala kaming airtime in lieu of the Labor Day activities. Nag-request din ang mga teams namin na baka mahirapan silang pumunta sa Makati Coliseum, speculating the traffic caused by these activities," paliwanag pa ni Trinidad.

Gayundin, walang available na airtime na maibibigay ang PTV-4 sa PBL simula alas 3:30 ng hapon hanggang alas 7:30 ng gabi dahil na rin sa coverage nila ng mga nakalinya nang activities ngayon.

Iniisip din ng mga nag-oorganisa ng PBL at PYBL na baka mahirapan ang mga fans na magcommute papuntang Makati Coliseum.

Samantala, nakakabilib na laro naman ang pinakawalan ng Dazz Ultra laban sa ML Kwarta Padala, 72-66, sa pagpapatuloy ng 1st OHM CBL-MICAA Summer Showdown sa Inayawan Sports Complex, Cebu City.

Dinala ng panalong ito ang Greasebusters sa pakikisosyo sa ikalawang puwesto sa koponang M. Lhuillier Jewelers, matapos umiskor ng 15 puntos ang forward ng Dazz Ultra na si Joel Bona, sa tulong naman nina Rudy Enterina at Rey Cantona kapwa gumawa ng 14 puntos.

Pinangunahan ng ML Kwarta Padala ang unang quarter ng laro subalit pinatunayan ng Greasebusters ang kanilang galing na padapain ang Cash Forwarders sa tatlong huling canto. (Ulat ni Carol Fonceca)

CAROL FONCECA

CASH FORWARDERS

CEBU CITY

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

DAZZ ULTRA

GREASEBUSTERS

INAYAWAN SPORTS COMPLEX

KWARTA PADALA

LABOR DAY

MAKATI COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with