Nakipag-draw si GM Bong Villamayor kay Vietnamese GM Dao Thien Hai at pansamantalang bokyain ang Philippines sa World Championship appearance sa papalapit na final round ng Asian 3.2a Zonal sa Grand Boulevard Hotel.
Ang 34 anyos na player, na bitbit ang kislap ng natatanging pag-asa ng bansa tungo sa Round 8 ay napigilan sa clockwork play ng Hungary-trained na si Da, na ngayon ay may 6 puntos, sa 76 sulong ng Slav Defense.
"Sinikap ko talaga na maipanalo, ngunit talagang drawish ang posis-yon ko. Even if he (Dao) was a pawn up, I had an active footman also," ani Villamayor matapos maiposte ang 5.5 points at kapirangot na puwesto sa No. 4 slot.
Kailangan ni Villamayor ng panalo ngayong umaga kontra sa solong nangungunang si GM Nguyen Anh Dung para magkaroon ng tsansang makakuha ng playoff sa slot sa World Championship.
Nakuha ni Nguyen ang solo liderato sa kanyang 6.5 puntos matapos ang 35 moves ng Kings Indian kontra kay Yves Ranola habang ang Indon na si2 IM Denny Juswanto ay nakasama si Villamayor sa kanilang 5 point mark makaraang manalo kontra kay GM Joey Antonio sa 50 moves ng Caro-Kann.
Sa kabilang dako, bahagyang nasinagan ng ilaw ang dalawang Pinoy na sina Jayson Gonzales at FM Idel Datu para sa kanilang ikatlo at final norm para maging full IM sa magkahiwalay na engkuwentro.
Nakipag-draw si Gonzales kay GM Utut Adianto sa 78 moves ng Nimzo-Indian habang nalaglag naman si Datu kay Nguyen Thanh Son sa anim na sulungan ng Reti.
Sa kababaihan, nakipag-draw si Cristine Rose Mariano kay WIM Nguyen Thi Than habang yumuko naman si WIM Beverly Mendoza kay WGM Hoang Tranh Trang.