Salonpas Run for Clean Elections sa Cebu

Para sa pagkakaroon ng malinis at mapayapang halalan ngayong Mayo, inaanyayahan ang mga Cebuanos na magtipontipon sa Provincial Capitol Ground sa Linggo para sa Salonpas Run for Clean Elections.

Ang naturang karera ay isang 5K fun run at ikalawa mula sa tatlong yugto na nagsimula noong nakaraang Linggo sa Baguio at magtatapos sa Metro Manila sa Mayo 6.

Eksaktong alas-6 ng umaga papuputukin ni Juan Aquino, chairman ng Cebu City Sports Commission ang baril. May nakatayang mga medalya at cash prizes sa top finishers.

Show comments