^

PSN Palaro

Pinoy chessers nanlamig sa Asian Zonal

-
Isang masaklap na kabiguan ang nalasap ng Filipinos sa Asian Zonal Chess Championship nang kapwa mabigo sina Grandmasters Eugene Torre at Joey Antonio sa kani-kanilang kalaban dahilan upang ang kam-panya ng bansa ay ma-ngulimlim at dalawang rounds na lamang ang nalalabi sa isang linggong tournament na ito na ginaganap sa Laguna Room ng Grand Boulevard Hotel.

Yumukod si Torre sa tournament top seed na si Utut Adianto sa 29 moves ng English Defense, habang di rin nakaligtas ang 1998 asian Zonal titlist na si Antonio sa kapwa niya GM na si Anh Dung Nguyen ng Vietnam matapos ang 31 sulungan ng Caro-Kann.

Bunga nito, nakasalalay na lamang sa mga kamay ni GM Bong Villamayor ang isa sa dalawang nalalabing slots para sa World Championship matapos na igupo si Mark Paragua sa 35 moves Queen’s Pawn game upang pagandahin ang kanyang katayuan sa 4.5 puntos, may isang puntos lamang na layo sa nangungunang Vietnamese co-leaders.(Ulat ni Maribeth Repizo)

ANH DUNG NGUYEN

ASIAN ZONAL CHESS CHAMPIONSHIP

BONG VILLAMAYOR

ENGLISH DEFENSE

GRAND BOULEVARD HOTEL

GRANDMASTERS EUGENE TORRE

JOEY ANTONIO

LAGUNA ROOM

MARIBETH REPIZO

MARK PARAGUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with