Welcoat, may ibubuga pa

Eksplosibong performance ang ipinamalas ng defending champion Welcoat Paint Masters upang lukuban ang kanilang mahinang performance sa first half tungo sa 58:54 pamamayani kontra sa Montana Pawnshop sa pagpapatuloy ng 2001 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Matapos matambakan ng 13 puntos, ibinandera ng Paint Masters ang kanilang 13 puntos na kalamangan sa fourth quarter upang ilista ang back-to-back panalo sa kumperensiyang ito at ikatlo sa anim na laro.

Naglaho ang 31-21 kalamangan ng Montana sa ikatlong quarter nang pamunuan ni Jojo Manalo at Yancy de Ocampo ang 15-0 run upang agawin ang pamumuno at itala ang 36-31 bentahe bago bahagyang makalapit ang Jewelers sa 36-37 sa pagtatapos ng naturang quarter.

Show comments