Nakatakdang magharap sina Pacquiao at Sakmuangklang sa alas-3 ng hapon kung saan ang nasabing laban ay ipalala-bas simula sa alas-6 ng gabi sa PTV-4.
Tumimbang ang 22-anyos na si Pacquiao, tubong General Santos City, may 15 kilometrong biyahe mula sa Kidapa-wan ng 122 lbs., habang 121 3/4 naman ang bigat ni Sakmuangklang sa ginanap na opisyal weigh-in sa Royal Mandaya Hotel sa Davao.
Ang naturang laban ay hatid ni Gabriel "Bebot" Elorde Jr., na may koor-dinasyon mula kay North Cotabato Governor Manny Piñol ay layuning ma-kalikom ng pondo para sa provincial grassroots development sports program at ito ay suportado ng San Miguel Beer, Negros Navigation, Royal Mandaya Hotel at Miller Cigarette.
Kapwa hangad ng dalawang fighters na agad tapusin ang kani-lang laban kung saan malakas ang kumpiyansa ng Pinoy champ na agad din niyang mapapabalik sa Thailand si Sakmuang-klang, gayunpaman, nagbanta rin ang Thais pug at sinabi nitong bibiguin niya ang plano ni Pacquiao na kumampanya sa Amerika matapos niya itong gapiin.
Bukod sa Pacquiao-Sakmuangklang fight, dalawa pang WBC International title fights ang tampok kung saan haharapin ni minimumweight champion Ernesto Ru-billar si Somthawin Sing-wongcha at sasagupain naman ni Juanito Rubillar si Fahsang Pow Pong-sawang sa lightflyweight class.