Liderato naagaw ng Vietnamese GrandMaster
April 28, 2001 | 12:00am
Ginapi ni defending titlist Grandmaster Dao Thien Hai ng Vietnam ang International Master Mark Paragua matapos ang ikalimang round upang makuha ang liderato sa pagpapatuloy ng 2001 Asian Zone 3.2a Chess Championship sa Grand Boulevard Hotel, Manila kahapon.
Itinakas ng 22 anyos na si Dao, dating chess prodigy na nagdebut sa World Olympiad sa edad na 12, ang 36 moves Kings Indian defense na panalo kontra kay Paragua upang makisosyo sa pamumuno ang kababayang si GM Nguyen Anh Dung na kapwa may nalikom na 4.0 puntos.
Sa iba pang laro, isang araw matapos talunin ni FIDE Master Fernie Donguines si GM Eugene Torre, nabigo naman ito sa kalabang A.D. Nguyen sa 29 moves Kings Indian Defense Saemisch variation sanhi ng time forfeit na nagdala sa kanya sa pakiki-sosyo sa ikatlong pwesto bunga ng 3.0 puntos.
Nananatili pa ring matikas si GM Joey Antonio makaraang makipag-draw kay Indonesian GM Utut Adianto sa anim na moves ng kanilang Caro-Kann encounter. Ang dalawa ay tig-3.5 puntos.
Kasama ni Donguines sina GMs Torre, Bong Villamayor, FM Idel Datu at Nguyen Thanh Son.
Ipinamalas ni GM Torre ang kanyang galing ng talunin niya ang Indonesian IM Denny Juswanto sa 43 moves Closed Sicilian habang nanaig naman si Villamayor sa kababayang si IM Chito Garma sa 43 moves Tarrasch variation, samantalang nakipagkasundo para sa isang draw sina Nguyen at GM Edhi Handoko.
Tinalo naman ni Vietna-mese Woman IM Nguyan Thi Thanh An ang kanyang kababayan na si Woman GM Hoang Thanh Trang sa 60 moves French Defense at kapwa nagtamo ng 4.0 puntos habang nagapi naman ang mga Filipina chessers laban sa kanilang foreign counterparts. (Ulat ni Carol Fonceca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended