Napaganda ng Teeth Sparklers ang kanilang record sa 2-4 panalo-talo habang lalo namang nabaon ang Iridologists sanhi ng kanilang ikali-mang sunod na talo sa gayon ding dami ng laro.
Umiskor ng apat na sunod na free throws si Cyrus Baguio sa 9-2 run na naging daan sa kanilang tagumpay at tuluyan ng napasakamay ang panalo nang hindi umabot ang pinakawalang tres ni Alvin Castro na sana ay nagbigay ng pag-asa sa Osaka.
Angat ang Iridologists sa 57-53, ngunit pinagana ng Hapee ang kanilang malabakod na depensa upang ipagkait sa Osaka ang kanilang asam na makapasok sa win column.
Naging mahigpit ang labanan ng Teeth Sparklers at Osaka bunga ng 5 deadlocks at 18-lead changes.
Pinangunahan ni Baguio ang Hapee sa paghakot ng 12 puntos kasunod si Bryan Dy na tumapos naman ng 11 puntos.
Nananatiling palaban ang Osaka nang kanilang hawakan ang kalamangan sa 59-58 buhat sa basket ni Ronald Cuan, 59.1 segundo ang nalalabing oras sa laro, ngunit ito na ang huling pagkakataong nakatikim ng trangko ang Iridologists nang magsimulang kumana si Baguio.