^

PSN Palaro

Boysen-MLQU sinorpresa ng UP

-
Ninanakawan ng University of the Philippines ng isang panalo ang defending champion Boysen-MLQU, 65-60 sa pagpapatuloy ng Crystal Spring-PYBL Title Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Ang panalo ay ikalawa ng UP at nakisosyo sa University of Assumption sa liderato habang ito naman ang kauna-unahang kabiguan para sa Boysen-MLQU.

Maagang nagpamalas ng dominasyon ang Maroons nang kunin ang tatlong unang quarters at pigilan ang tangkang rally ng Paintboys bago matapos ang ikaapat na yugto ng laro.

Biitbit ang 13 puntos na kalamangan ng UP, 50-37, tinangka ng Paintboys na bumangon ngunit na-injured pa ang pambato ng Boysen na si Theody Habelito na bumagsak una ang kanang bahagi ng balakang, isang minuto na lamang ang nalalabi sa laro.

Gayunpaman, nagawang ibaba ng Boysen ang kalamangan ng UP sa pagtutulungan nina Marphil Limbo, Edilito Saygo at Dan Conmigo, 56-59.

Sa naunang laro, tinalo ng National University ang Spring Cooking Oil, 92-67. (Ulat ni Carmela Fonceca)

vuukle comment

BOYSEN

CARMELA FONCECA

CRYSTAL SPRING

DAN CONMIGO

EDILITO SAYGO

MAKATI COLISEUM

MARPHIL LIMBO

NATIONAL UNIVERSITY

PAINTBOYS

SPRING COOKING OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with