^

PSN Palaro

Bulacan sinopresa ng DECS-Bacolod

-
MALOLOS City, Bulacan--Mayroong kasabihan na ang laro ay naipapanalo ng mga players, ngunit ang mga coaches naman ang siyang nagpapatalo.

Ito ay isang magandang ehemplo na naganap kahapon nang sorpresahin ng bagong tatag na DECS-Bacolod Senior softball team ang defending champion at world series veteran Bulacan nine, 6-1 sa pamamagitan ng tactical error ng Bulacan coach na si Ulysis Mejia nang kanyang palitan ang ace pitcher na si Diony Macasu sa fourth inning kung saan tabla ang iskor sa 1-1 deadlock, sa kabila na hawak nila ang kontrol sa laro.

"I decided to relieve Diony (Macasu) because I am preparing her for much stronger team, Bacolod City sluggers," wika ni Mejia.

Matapos na palitan si Macasu sa fourth inning, nagsimulang manalasa ang DECS-Bacolod sa pangunguna ni Cathy Pineda sa pagsisimula ng fifth inning kung saan dinala ni Agustina Benjamin si Pineda sa double at centerfield.

Umusad si Pineda sa third base mula sa error at tuluyang umiskor ng isang run mula sa fielder’s choice at ligtas naman na nakatapak si Lizel Aguilar sa first base.

Umusad si Aguilar sa third base sa back-to-back errors bago tuluyang umiskor ng second run sa fielder’s choice ni Sherrylou Valenzuela na nakatapak rin sa first base.

At ang susunod na batter ay sadyang nakarating sa unang base sa pamamagitan ng walk at triple to right field ni Claire Launilla na nagpa-iskor kina Valenzuela at Lasquete bago sumunod si Launilla sa triple ni Rachelle Yasas.

Sa iba pang laro, pumukol si Mary Jane Rosario ng homerun sa sixth inning upang trangkuhan ang Caloocan City at bokyain ang Laguna, 1-0.

vuukle comment

AGUSTINA BENJAMIN

BACOLOD CITY

BACOLOD SENIOR

BULACAN

CALOOCAN CITY

CATHY PINEDA

CLAIRE LAUNILLA

DIONY MACASU

LIZEL AGUILAR

MACASU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with