Jeepney King Challenge 2001 sisimulan na

TARLAC-Umaasa ng malaking bilang ng mga kasali mula sa iba’t ibang jeepney associations dito, ang Shell Rimula J Jeepney King Challenge 2001 ay ilalarga ngayong Linggo, Abril 29 sa Uniwide Common Terminal sa pakiki-pagtulungan ni vice governor Hermie Rivera.

Libre ang registration sa paligsahang ito na kalakip ang eksperto, magalang at maingat na pagmamaneho at dulot ng Rimula J at Fuji Film. May malaking cash prizes ang maaaring mapanalunan ang mga kasali sa event proper at sa Best Dressed Jeepney class, ayon sa event organizer RACE Motorsports Club.

Para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan lamang kina Lito o Bing Bang Dulce sa 09178119337 at 09178340831.

Show comments