^

PSN Palaro

Bacolod softball team patuloy ang pananalasa

-
MALOLOS City, Bulacan--Muling umiskor ang powerhouse Bacolod City softball team ng isa pang panalo kahapon sa pagpapatuloy ng 2001 Little League Philippine Series sa iba’t ibang lugar dito.

Umiskor sina Liezl Delagente at Dorie Mae Cabuason ng tig-isang run upang trangkuhan ang Bacolod City sa 2-1 panalo kontra sa mahigpit na karibal na DECS-Bacolod upang okupahan ang solong pamumuno sa 5-team competition na ito.

Maagang kinuha ng mga Sluggers ni coach Rey Fuentes ang isang run na kalamangan sa fourth inning nang makatuntong si Angela Banuyao sa base mula sa single to right field ni Venus Deala.

Nagawang itabla ng kanilang kalaban ang iskor sa 1-1 sa sixth inning nang umiskor naman si Baby Garcia mula sa wild throw ng second base-woman na si Adel Carmen Julic matapos na pumalo ng single at nakawin ang second base.

Nauna rito, hiniya naman ng Bacolod City Senior leaguers ang Pampanga, 8-1.

Sa iba pang laro, binokya ng Bulacan ang ILLAM 10-0, blinangka rin ng DECS-Bacolod ang Canlubang 4-0 sa Little League boys division.

Bumawi ang ILLAM sa Ilocos Norte nang kanila itong bugbugin, 12-3, habang pinayukod ng Bacolod City ang Canlubang 7-0 sa Boys junior league.

Diniskaril ng Bacolod City ang Valenzuela City, 12-2, nanaig ang Sta. Cruz Laguna sa Pampanga 10-7 at magaang namayani ang DECS-Bacolod sa ILLAM , 13-1 sa Little league softball.

vuukle comment

ADEL CARMEN JULIC

ANGELA BANUYAO

BABY GARCIA

BACOLOD

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY SENIOR

BULACAN

CANLUBANG

CITY

CRUZ LAGUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with