Maningning na simula ng Bacolod City

MALOLOS City--Umiskor ang mahigpit na paboritong Bacolod City girls softball ng malaking panalo kahapon sa pagsisimula ng Little League Philippine Series sa Malolos Sports Complex dito.

Sumandig ang defending champion Bacolod City Little Leaguers sa tikas ng pitcher na si Nelsa Delagente nang itala ang 5-4 panalo kontra sa mahigpit rin nilang karibal na DECS-Bacolod City.

Nauna rito, sa Junior Division (14-16 yrs.), maningning na sinimulan ng Bacolod City ang kanilang kampanya sa pagpapanatili ng kanilang hawak na korona matapos na pabagsakin ang Pampanga, 9-6.

Kumana rin ang Ilonggos ng limang malalaking runs sa first inning at nagdagdag ng dalawa sa second inning nang mangapa ang Pampanguenas kung saan umiskor lamang sila ng apat na round sa unang apat na innings.

Sa Little League boys baseball, hiniya ng Tanuan ang Canlubang, 14-2 sa 3 1/2 innings, habang binokya naman ng DECS-Bacolod ang host Bulacan, 11-0.

Show comments