Paddle wielder pa-Osaka

Ipagpapatuloy ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) ang masusing preparasyon para sa nalalapit na 21st Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Setyembre sa pagsabak sa 46th World Table Tennis Championship simula ngayon hanggang Mayo 7 sa Osaka, Japan.

Pangungunahan ng kasalukuyang RP No. 1 na si Joselito Almazan kasama sina U.P. Chancellors Cup Champion Joseph Cruz at 1999 Brunei SEA Games bronze medalist Richard Gonzales ang kam-panya ng bansa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at TIBHAR Philippines & Universidad.

Tumapos ang bansa sa World Championships ng ika-128th puwesto ni Gonzalez sa men’s singles noong 1997 sa Manchester, England kung saan umabot sa 500 manlalaro mula sa iba’t ibang bansa ang lumahok sa event na ito.

Show comments