Mayol, hinirang bilang Boxer of the Month

Napili kahapon si Rodel Mayol bilang Games and Amusements Board (GAB) Boxer of the Month ng buwan ng Marso matapos na talunin ang dalawang mahgpit na karibal.

Bunga ng kanyang impresibong first round TKO na panalo kay Oriental at Pacific Boxing Federation (OPBF) No. 4 contender Chai Ho Kim ng Korea no-ong Mar. 31 sa Lahug, Cebu City, siya ay iniluklok ng pito kataong GAB Ratings Committee para sa naturang award.

Kanyang ginapi sina RP superlightweight champion Dindo Castañares at RP No. 10 Fernando Montilla na pawang nagwagi rin sa kani-kanilang kalaban.

Show comments