Wizard ng Cavite, kampeon sa 2nd leg ng Kiddies Chessfest

Nagawang mapatatag ni Ivan Gil Biag ng Dasmariñas Cavite ang kanyang posisyon upang itakas ang 2nd leg ng Kiddies (Under-14) Active Chess Open na ginaganap sa Philippine Chess Center-Quezon City noong Biyernes.

Tinapos ng kasalukuyang Shell Active national titlist ang anim na round ng Swiss event sa pamamagitan ng 5.5 puntos matapos na iposte ang 35-move Queen’s Gambit Declined na panalo kontra Arvin Dableo sa final round.

Makakasama ni Biag para sa Kiddies Active Open grand finals sa Mayo 9 sina runner-up Palomata Arnelle, Dableo, Glen Paul Mendoza, Aaron Rivas, Joseph Velasco, Arnold Ponard, Cherilyn Guiang, Sherilyn Cua at Neil Javier Maria-no na pawang nanaig sa unang yugto noong Abr. 16.

Show comments