Depensa ni Penalosa vs. 'The Prince' sa Big Dome
April 21, 2001 | 12:00am
Magbabalik ang professional boxing sa Araneta Coliseum sa Mayo 5 kung saan nakatakdang idepensa ni WBC International super flyweight champion Gerry Peñalosa ang kanyang korona kontra sa dating world junior light flyweight champion Keiji "The Prince" Yama-guchi.
Tampok din sa blockbuster triple-header sina dating WBA minimum weight champion Joma Gamboa at ang bagong ring sensation at walang talong Philippine super featherweight champion Randy Suico.
Napagtanto ni Peñalosa, na ang kanyang mandatory title shot kontra sa mananalo sa Mayo 20 title fight sa pagitan nina Masamori Tokuyama at In Joo Cho ay mababalewala kung siya ay matatalo kay Yamaguchi.
Ayon sa kilalang nutrionist na si Dr. Sanirose Orbeta, na siyang nangasiwa sa diet ni Peñalosa, matapos na siya ay matalo sa rematch nila ni In Joo Cho noong Enero noong nakaraang taon, na kahanga-hanga ang Pinoy champ sa kanyang huling dalawang laban nang umiskor ng eight round TKO panalo kontra kay Pone Saengmorakot bago ang kanyang na-knock-out win kay hardhitting Thai na si Ratta-nachai Sor Vorapin sa sixth round sa kanyang huling pagtatanggol ng korona.
Ayon pa sa kanya, ang tamang disiplina at pag-kain ang nagbibigay kay Peñalosa ng karagda-gang stamina at lakas.
Hangad ni Yamaguchi na ipaghiganti ang kabiguang nalasap ng Japanese legend na si Hiroshi Kawashima mula sa mga kamay ni Peñalosa nang kanyang maibulsa ang world title noong 1997.
Hawak ni Peñalosa ang ring record na 42-3-2 na may 26 KOs at inaa-sahang makikipagsaba-yan ng husto kay Yama-guchi na may taglay na-mang 29-6-1 at 11 KOs.
Naging biktima ni Yamaguchi, na inampon ang kanyang monicker na "The Prince" mula sa kanyang idolong si Naseem Hamed, ang 12 Pinoy na kinabibilangan nina Nolito Cabato, Lee Escobido, Rudy Idaho, Texas ‘Mug" Gomez at Marlon Carillo at iba pa.
Sa iba pang laban, makakaharap naman ni Gamboa ang Thailand’s No. 3 na si Pigay Muang-chaiya, habang magba-banatan naman sina Suico na may 13 panalo at 11 knockouts at ang wala pang talong si dating Thai featherweight champion Khumphoon Eausamphan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended