Layunin ng Shark at Ana iisa sa PBL Chairman's Cup
April 21, 2001 | 12:00am
Iisa ang layunin ngayon ng Shark Energy Drink at Ana Freezers--ang maisukbit ang kani-kanilang panalo upang mapanatiling matatag sa kanilang mga puwesto sa nakatakdang magkahi-walay na laban sa PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum.
Ikaanim na sunod na panalo upang manatiling malinis ang kanilang kartada ang siyang target ng Shark sa kanilang pakikipagsagupa sa Ateneo-Pioneer sa alas-4 ng hapon.
Nauna rito, nais na-man ng Ana na mapala-wig ang kanilang winning streak sa limang dikit upang mapasolido ang kanilang kapit sa solong ikalawang posisyon kontra sa Osaka Iridology sa alas-2.
Bagamat mas mataas ang morale na tatapak sa playing area ang Shark, tila nangangamba si coach Leo Austria sa kanilang asignatura dahil sigurado siyang eksplo-sibong hamon ang kani-lang haharapin.
Isa sa agam-agam ni Austria ay ang ginawang paghahabol ng Ateneo sa kanilang huling laro kung saan makikita ang matin-ding determinasyon ng Insurers.
Kayat dobleng ingat ang kanyang gagawin upang maiwasan na madungisan ang kanilang katayuan.
At upang matupad ang kanilang misyon, kailangan kumayod ng husto sina Chester Tolo-mia, Warren Ybañez, Rolly Basilides, Rysal Castro at Gilbert Mala-banan para supilin ang kabila. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended