Ginapi ni Guba si Patrick John Tierro, 1-6, 6-2, 6-3, habang pinatalsik naman ni Manalastas si Christian Cuarto, 6-3, 6-0.
Sa boys 16-under class, tinalo ng seventh seed na si Janjie Soquino ang No. 4 Vyaki Sabandon, 6-2, 6-2 upang umusad din sa semis kontra No. 8 Julianito Jopia.
Nauna rito, nagtala ang Mindanao bets na sina Hamza Macapendeg at Ed Angelo Diez ng kani-kanilang panalo upang makakuha ng slot sa semis ng boys 14-under division.
Sinibak ni Macapendeg ng Cotabato City si No. 4 Kyle Dandan, 7-6 (2), 6-3 upang harapin si top seed Mauric Lao ng Kalibo, Aklan na umiskor ng 6-2, 6-2 tagumpay kontra Ronoel Allan Tan.
Sa kabila nito, pinayukod ng Davao City-based na si Diez si James Pang ng Davao Oriental, 6-0, 6-2 upang ipuwersa ang kanilang semifinal duel ng No. 3 na si Miguel Narvaez ng Cavite na nagposte naman ng 6-0, 6-2 pamamayani kontra Nueva Ecijas Zozimo Battad.