^

PSN Palaro

Aguilar sinopresa ni Payla sa semifinal match ng 7th Balado Cup

-
Gumawa ng isang malaking sorpresa para sa koponan ng Team Philippines si flyweight Violito Payla nang kanyang igupo ang Cubanong si Yumarqui Aguilar, 4-1 sa semifinal match noong Lunes upang makasama ni lightfly Danilo Lerio sa finals ng 7th Balado Cup boxing tournament sa La Vereda Plaza.

Ipinamalas ng 22-anyos na Armyman mula sa Cagayan de Oro, na nanalo ng bronze medal sa Cordova Cardin slugfest noong nakaraang Linggo sa Havana ang kanyang tikas sa mas mataas na kalaban.

Ginamit ng kaliweteng si Payla ang kanyang pamatay na jab-straight combinations upang mapagwagian ang kanyang laban na naghatid sa Pinoy na mapasabak sa ginto sa kanyang kauna-unahang international stint.

Tangka ni Payla na ang kanyang husay sa boxing ay unang namalas sa National Open sa Kidapawan City noong 1997 ang ginto sa pagtiklop ng six-nation tournament na ito sa Martes kung saan sasagupain niya ang Cubanong si Rodolfo Perez na nagtala ng 5-0 tagumpay kontra sa Puerto Rico’s na si Juan Lopez sa isa pang semifinal match sa 51 kg. division.

Ang panalo ni Payla ang nagbangon sa masaklap na 1-4 kabiguan ni lightwelter Romeo Brin sa mga kamay ng isa ring Cuban’s pug na si Wisney Aldazabl noong Lunes. Ngunit ang pinaka-importante ay ang mapasabak ang koponan na suportado rin ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas sa dalawang ginto sa event na ito na kanilang pinagwagian ng isang silver at dalawang bronze medals noong nakaraang taon.

Nakarating sa finals ang 20-gulang na si Lerio, isang Navyman at beterano ng nakaraang taong Sydney Olympics sa 48 kg. class nang kanyang talunin ang Cuba’s na si Barnaro Gonzalez, 4-1 noong nakaraang Linggo. At sa finals, makikipagpalitan si Lerio ng suntok sa isa ring Cubanong fighter at 1997 World Youth champion Andy Lafita na umiskor ng 3-2 panalo kontra sa kababayang si Ivan Perez sa semis.

Nakatakdang umuwi sa bansa ang miyembro ng koponan na ginamit ang Cuban event bilang bahagi ng kanilang training at selection process para sa Kuala Lumpur SEA Games sa Setyembre sa Miyerkules para sa isa pang panibagong biyahe na mula sa Havana, sila ay tutungo sa London, Hong Kong at Manila.

ANDY LAFITA

BALADO CUP

BARNARO GONZALEZ

CORDOVA CARDIN

CUBANONG

DANILO LERIO

HONG KONG

IVAN PEREZ

JUAN LOPEZ

PAYLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with