SMB pinayuko ng Batang Red Bull sa quarterfinal round
April 19, 2001 | 12:00am
Pinanigan ng suwerte ang Batang Red Bull upang maipuwersa ang sudden-death playoff laban sa San Miguel Beer matapos ang 85-73 panalo kagabi sa pagpapatuloy ng quarterfinal round ng PBA All-Filipino Cup sa Araneta Coliseum.
Bukod pa sa suwerteng dumapo sa Thunder, naapektuhan din ang Beermen sa pagkawala nina Dwight Lago at Boybits Victoria na naging dahilan upang muli nilang harapin ang San Miguel sa Linggo upang matukoy ang uusad sa best-of-five semifinal series.
Bunga ng pagkatalo, pakikinabangan ng Beermen ang natamong twice-to-beat advantage na ipinagkaloob sa top four teams kayat maaari pa silang makabawi at makausad sa semis kung saan ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataong harapin ang magwawagi naman sa pagitan ng Pop Cola at defending champion Alaska na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.
"We just played lucky," bungad ni coach Yeng Guiao. "We throwed some miracle shots and San Miguel didnt have their key players--Boybits Victoria and Dwight Lago."
Ang suwerteng basket na tinutukoy ni Guiao ay ang buzzer-beating jumper ni Jay Mendoza na nagtabla sa iskor sa 32-all sa pagtatapos ng first half.
Bagamat gumawa ng oposisyon ang Beermen na nakalapit ng hanggang 3 puntos na ang huli ay 67-70, tila naging maamong tupa ang San Miguel na inalat sa mahahalagang baskets at iselyo ng Thunder ang tagum-pay sa pamamagitan ng 13-4 run na pinagtulungtulungan nina Davonn Harp at Kerby Raymundo kabilang ang ala-tsambang tira ni Jimwell Torion para sa final score.
Hindi nakapaglaro si Lago na nagtungo sa Amerika upang dalawin ang kanyang ama na nasa kritikal na kundisyon habang si Victoria naman ay kasalukuyang nagpapagaling pa sa kanyang sakit na hepatitis.
Matapos kontrolin ng Batang Red Bull ang unang quarter, umarangkada ang San Miguel sa sumunod na canto nang kanilang burahin ang 6-puntos na bentahe ng Thunder at iposte ang 9 puntos na kalamangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended