Magaang na naibulsa ng 14-anyos ang korona matapos makalikom ng limang panalo at fourth-round draw sa kanyang nakababatang kapatid na si Cholo upang malikom ang 5.5 puntos.
At sa kauna-unahang pagkakataon ang Red Cubs sophomore ang siyang nahirang na kampeon sa competition na ito na regular na iniho-host ng Philippine Chess Society.
Ang iba pang nakapag-uwi ng karangalan ay sina Letran sophomore Julius Joseph de Ramos (runner-up), February Kiddies champion Vic Neil Villanueva (3rd), Cholo Banawa (4th), Danielle Day Estrada (5th), Lord Anthony Calvo (6th), Luke Farre (7th), Kimberly Jane Cunanan (8th), Kevin Mark Cunanan (9th) at Nelson Mariano III (10th). Ang top 10 finishers ang siyang uusad sa grand finals sa Mayo 2.
Samantala, magbabalik ang aksiyon sa checkered boards sa pagsisimula ng unang edisyon ng Juniors (Under-20) Active Open. Magpapamalas ng kani-kanilang talento para sa dry run ng nalalapit na National Age Group Chess Championship sina International Master Mark Paragua, National Master John Paul Gomez, NM Oliver Barbosa at Julio Catalino Sadorra at iba pa.
Para sa iba pang detalye makipag-ugnayan lamang kay Joey Moseros sa 9293583 o 4142302.