^

PSN Palaro

Shooting elims para sa mga aspirante sa SEAG sisimulan na

-
Idaraos ngayong linggo ang ikatlo sa anim na yugto ng four to count shooting eliminations para sa mga aspirante sa Kuala Lumpur 21st Southeast Asian Games sa PSC-Marines’ranges sa Fort Bonifacio, Makati City.

Tangka ng mga manunudla na muling masira ang criteria na itinakda ng POC-PSC task force SEA Games sa ikatlong yugto ng barilan na inaasahang magiging mahigpitan ang labanan.

Ayon kay monitoring officer Bert Landero, nakalinya sa apat na araw na asintahan ang pistol at rifle events. Sa kabila ng mahigpit na criteria na itinakda sa pistol at rifle category, walong lalaki at tatlong babae ang kasalukuyang nakapagpakita na ng maganda sa standards set sa kani-kanilang events.

Kabilang sa mga naka-pasa sa criteria ay sina Nathaniel Padilla, Inocentes Dionesa at Carlos Vincet Medina (rapid fire pistol); Carolino Gonzales (free pistol & air pistol); Gilbert Escobar (air pistol); Emerito Concepcion (air rifle); Julius Valdez at Danilo Castillo (free rifle prone); Rasheya Jasmin Luis, Marilu Samaco at Leilani Santiago (sport rifle).

Ang mga nakasira naman sa criteria ng shotgun events ay sina Jimmy Recio, Eric Ang, James Chua, Jethro Dionisio, Carlos "Itos" Carag at Arthur Tuason (trap); Darius Hizon, Brian Rosario at Patricio Bernardo (skeet) at Gay Corral (ladies trap).

vuukle comment

ARTHUR TUASON

BERT LANDERO

BRIAN ROSARIO

CARLOS VINCET MEDINA

CAROLINO GONZALES

DANILO CASTILLO

DARIUS HIZON

EMERITO CONCEPCION

ERIC ANG

FORT BONIFACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with