Aakyat sa ibabaw ng lona si Danilo kontra sa Cuban na si Barbaro Gonzales matapos na itala ang kumbinsidong 4-1 panalo na naghatid sa kanya para sa ginto, habang nalasap naman ni Arlan ang 1-4 kabiguan sa mga kamay ng local boy na si Lester Diaz sa pagsisimula ng semifinal round ng natirang event na magtatapos sa Martes.
Hawak ni Danilo, isang Navyman ang trangko mula sa umpisa pa lamang ng banatan at ni hindi ito kinakitaan ng trouble upang malampasan ang kanyang bronze medal na tinapos sa nasabi ring event noong nakaraang taon.
Bunga nito, buong maghapong magpapahinga si Danilo at sasabak siya sa laban sa Martes ng gabi.
Taliwas naman sa kanyang kapatid ang naging kapalaran ni Arlan, naging mahirap para sa Armyman ang kanyang pakikipagpalitan ng suntok kay Diaz nang magpasayaw-sayaw sa ring ang Cubano sa halip na makipagsabayan sa huling dalawang rounds matapos na makakunekta ng dalawang kumbinasyon sa kaagahan ng labanan.
Sinikap ni Arlan na umiskor ng dalawang suntok, ngunit maikli lamang ito sa mga mata ng judges.
Dalawa pang Pinoy pugs sina flyweight Violito Payla at lighwelter Romeo Brin ang magpapakita ng aksiyon sa Lunes kung saan ang bawat isa ay umaasa na makakasama ni Danilo sa final at posibleng makapagbigay sa koponan ng magandang pagtatapos sa tournament na ito na ginaganap bilang parangal sa Cuban Olympic superheavyweight champion (1992) na namatay sa isang car crash noong 1994.
Nakarating si Payla sa semis sa pamamagitan ng 5-0 panalo kontra kay Modesto Ramirez ng Equador noong Sabado, habang nakakuha naman si Brin ng bye sa first round ng kanyang division na mayroon lamang anim na entra.