Batang Lerio umusad sa finals
April 18, 2001 | 12:00am
Nakarating sa finals si Danilo Lerio ng Team Philippines sa lightfly division noong Linggo ng gabi, habang nabigo naman ang kanyang nakatatandang kapatid na si Arlan at nakuntento lamang sa bronze medal sa bantamweight class ng 7th Roberto Balado Cup boxing tournament sa La Vereda Plaza dito.
Aakyat sa ibabaw ng lona si Danilo kontra sa Cuban na si Barbaro Gonzales matapos na itala ang kumbinsidong 4-1 panalo na naghatid sa kanya para sa ginto, habang nalasap naman ni Arlan ang 1-4 kabiguan sa mga kamay ng local boy na si Lester Diaz sa pagsisimula ng semifinal round ng natirang event na magtatapos sa Martes.
Hawak ni Danilo, isang Navyman ang trangko mula sa umpisa pa lamang ng banatan at ni hindi ito kinakitaan ng trouble upang malampasan ang kanyang bronze medal na tinapos sa nasabi ring event noong nakaraang taon.
Bunga nito, buong maghapong magpapahinga si Danilo at sasabak siya sa laban sa Martes ng gabi.
Taliwas naman sa kanyang kapatid ang naging kapalaran ni Arlan, naging mahirap para sa Armyman ang kanyang pakikipagpalitan ng suntok kay Diaz nang magpasayaw-sayaw sa ring ang Cubano sa halip na makipagsabayan sa huling dalawang rounds matapos na makakunekta ng dalawang kumbinasyon sa kaagahan ng labanan.
Sinikap ni Arlan na umiskor ng dalawang suntok, ngunit maikli lamang ito sa mga mata ng judges.
Dalawa pang Pinoy pugs sina flyweight Violito Payla at lighwelter Romeo Brin ang magpapakita ng aksiyon sa Lunes kung saan ang bawat isa ay umaasa na makakasama ni Danilo sa final at posibleng makapagbigay sa koponan ng magandang pagtatapos sa tournament na ito na ginaganap bilang parangal sa Cuban Olympic superheavyweight champion (1992) na namatay sa isang car crash noong 1994.
Nakarating si Payla sa semis sa pamamagitan ng 5-0 panalo kontra kay Modesto Ramirez ng Equador noong Sabado, habang nakakuha naman si Brin ng bye sa first round ng kanyang division na mayroon lamang anim na entra.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended