Tabanas, ligtas na
April 17, 2001 | 12:00am
Ligtas na si Andy Tabanas at lumabas na ng ospital.
Ito ang nabatid ng PSN kahapon sa isang telephone interview kay Tony Aldeguer ang kanyang manager na nasa Cebu.
Sinabi ni Aldeguer na pagkatapos ng laban, makaraang ma-knockout si Tabanas ni Nelson Dieppa ng Puerto Rico sa kanilang WBO Jr. flyweight championship bout sa New York, ito ay isinugod nga sa St. Vincents Hospital na nasa stretcher.
Gayunpaman, makaraan ang ilang oras, inihayag ng medical officers ng naturang ospital na ligtas na siya at kailangan na lamang na sumailalim sa CT scan upang makasiguro na wala itong natamong pinsala sa ulo.
Agad na tinawagan ni Aldeguer ang asawa ni Tabanas na si Chloe para alamin ang kalagayan ng kanyang boksingero at dito sinabi ng asawa ni Tabanas na okay na ang lahat.
Ang mag-asawang Tabanas ay kasalukuyang nagbabakasyon sa US kung saan doon din nagsasanay ang 33 anyos na boksingero.
At dahil sa kabiguang natamo ni Tabanas, mas malamang na magretiro na ito tulad ng laging pinapayo sa kanya ni Aldeguer.
"I told him to retire. Pero laging sinasabi niyang nasa kondisyon pa siya kaya naman doon sa US ito nagtitrain." ani Aldeguer na nagpatunay din namang kondisyon din naman ang kanyang bata ng ito ay lumaban kay Dieppa.
"If I lose, I will retire" ito ang huling habilin ni Tabanas kay Aldeguer bago tumulak ng US para sa pakikipaglaban sa bakanteng WBO Jr. flyweight title.
Gayunpaman, malamang na hindi muna bumalik sa bansa ang mag-asawang Tabanas.
Sinabi din ng isang spokesman mula sa St. Vincents Hospital na bagamat nakalabas na ng ospital ang boksingerong Pinoy ito ay nakalistang "AMA" na ibig sabihin ay against medical advice. Gayunpaman, hindi nagbigay ng detalye ang naturang spokesman sa kalagayan ni Tabanas dahil nga mismong si Tabanas na ang pumirma ng kanyang release form sa nabanggit na ospital. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended