Pangungunahan nina reigning National Under-14 champion Julio Catalino Sadorra, Shell Active titlist Ivan Gil Biag, Palarong Pambansa standout Danielle Day Estrada, Kimberly Jane Cunanan, Letran junior chessers Vic Neil Villanueva at Joseph Julius de Ramos ang cast ng mga 6-round Swiss system event na ito.
Isang preview sa National Age-Group Chess Championships na nakatakda sa Mayo, 19 hanggang 29, ang top three chessers sa torneong ito ay mag-uuwi ang chess equipments at libro. Nakataya din ang upuan sa Kiddies Active Open grand finals na nakatakda sa Mayo 9.
At dahil puno na ang puwesto para sa laban ngayon, ang lahat ng mga interesadong chessers ay maaaring magpa-lista para sa susunod pang torneo sa Abril 23, 25 at 30.
Ang rehistrasyon ay base sa first-come first serve. At 40 chessers lamang ang kailangan sa bawat torneo. Ang entry fee ay P50.00 at magdala ng photocopy ng inyong birth certificates.
Para sa karagdagang detalye tumawag sa National Chess Federation of the Philippines director NM Antonio Calvo at NM Erwin Carag sa 929-3583, 414-2302 o Joey Moseros sa (0919) 271-9305.