Ito ang kanyang ikalawang panalo laban sa dalawa ring Cuban at nakasiguro ang 24 anyos na si Lerio ng bronze medal.
Ang tagumpay ni Lerio kay Aces, member ng Cuban National team na mukhang mas mabigat sa 54 kg. limit ay isa ring ganti sa kabiguang natamo ni welterweight Reynaldo Galido sa Cuban na si Richard Vaillant sa naunang laban at ni lightweight Joel Barriga sa isa pang Cuban makaraan ang isang araw.
Apat na miyembro ng Team Philippines na suportado ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas na sina lightfly Danilo Lerio, feather Ramil Zambales at lightmiddle Junie Tizon ang makikipagpalitan ng suntok sa Cuban boxers habang si flyweight Violito Payla ay lalaban sa isang Ecuador boxer.
Ang lightwelterweight na si Romeo Brin ay nakasiguro din ng bronze makaraang mag-bye ito sa first round kung saan anim na boksingero lamang ang nakapasok sa division na ito. Ang mga boksingerong mananalo ay nakasisiguro ng bronze.
Takdang lagpasan ng Team Philippines ang kanilang four-bronze na pagtatapos sa Cordova Cardin noong nakaraang linggo isang tagumpay na isang malaking nagawa ng ating mga boksingero dahil hindi naman sila nakakuha ng kahit anong medalya sa Cordova noong nakaraang taon.
Si Lerio, isa sa apat na boksingerong naka-bronze sa Cordova noong nakaraang linggo kasama nina Payla, Barriga at Galido ay nagdikta ng tempo ng kanyang laban sa mas matangkad at mabigat na Cuban simula sa umpisa ng laban.
Mabibilis at matutulis na right straights at jabhook combinations ang ibinigay ng taga-North Cotabato sa Cuban.