^

PSN Palaro

Lerio, nakasiguro ng bronze medal

-
Lalong humuhusay, lumalakas at bumibilis si Arlan Lerio sa kanyang bawat laban nang muling magdeliber ito para sa Team Philippines makaraang pabagsakin ang Cuban bantamweight Eduardo Aces, 3-2 sa kanilang Friday the 13th encounter sa 7th Roberto Balado Cup sa La Vereda Plaza.

Ito ang kanyang ikalawang panalo laban sa dalawa ring Cuban at nakasiguro ang 24 anyos na si Lerio ng bronze medal.

Ang tagumpay ni Lerio kay Aces, member ng Cuban National team na mukhang mas mabigat sa 54 kg. limit ay isa ring ganti sa kabiguang natamo ni welterweight Reynaldo Galido sa Cuban na si Richard Vaillant sa naunang laban at ni lightweight Joel Barriga sa isa pang Cuban makaraan ang isang araw.

Apat na miyembro ng Team Philippines na suportado ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas na sina lightfly Danilo Lerio, feather Ramil Zambales at lightmiddle Junie Tizon ang makikipagpalitan ng suntok sa Cuban boxers habang si flyweight Violito Payla ay lalaban sa isang Ecuador boxer.

Ang lightwelterweight na si Romeo Brin ay nakasiguro din ng bronze makaraang mag-bye ito sa first round kung saan anim na boksingero lamang ang nakapasok sa division na ito. Ang mga boksingerong mananalo ay nakasisiguro ng bronze.

Takdang lagpasan ng Team Philippines ang kanilang four-bronze na pagtatapos sa Cordova Cardin noong nakaraang linggo isang tagumpay na isang malaking nagawa ng ating mga boksingero dahil hindi naman sila nakakuha ng kahit anong medalya sa Cordova noong nakaraang taon.

Si Lerio, isa sa apat na boksingerong naka-bronze sa Cordova noong nakaraang linggo kasama nina Payla, Barriga at Galido ay nagdikta ng tempo ng kanyang laban sa mas matangkad at mabigat na Cuban simula sa umpisa ng laban.

Mabibilis at matutulis na right straights at jabhook combinations ang ibinigay ng taga-North Cotabato sa Cuban.

vuukle comment

ARLAN LERIO

CORDOVA

CORDOVA CARDIN

CUBAN

CUBAN NATIONAL

DANILO LERIO

EDUARDO ACES

JOEL BARRIGA

JUNIE TIZON

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with