^

PSN Palaro

Taulava, sabik ng makabalik sa Pinas

-
Atat na atat nang makabalik sa Pilipinas si Paul Asi Taulava, ang napade-port na player ng Mobiline Phone Pals sa PBA, hindi para muling maglaro ng basketball kundi upang makita ang kanyang apat na buwang anak na si Asiana at pakasalan ang kanyang kasintahang si Ana Corveau, dating beauty titlists.

Sa isang eksklusibong pakikipagpanayam ng Viva Vintage Sports kay Taulava na naglalaro ngayon sa binuhay na American Basketball Association para sa San Diego ‘Wild Fire,’ sinabi nitong "I miss the Philippines and the PBA but most of all, I miss Ana and my little girl."

Sinabi ni Taulava na ginagawan ng paraan ng kanyang kasintahan na maalis sa ‘blacklist’ ang kanyang pangalan para makabalik siya sa bansa at makapagpakasal at masuportahan ang kanyang anak na anito’y kanyang unang prayoridad.

Nareboka ang ‘clearance’ ni Taulava na ibinigay ni dating Bureau of Immigration chief Rufus Rodriguez para makapaglaro sa PBA dahil nabigo itong patunayan na ang kanyang ina ay may dugong Filipino kaya’t napatalsik ito sa bansa.

Iginiit ni Taulava na ito’y may dugong Pinoy ngunit nilisan nito ang bansa bago sumapit ang deportation deadline sapagkat dinamdam niya ito at sinabi niyang kasalukuyan pa rin niyang trinatrabaho ang kanyang mga papeles upang patunayan na ang kanyang ina na si Pauline Hernandez Mateaki ay buhat sa Samar.

AMERICAN BASKETBALL ASSOCIATION

ANA CORVEAU

BUREAU OF IMMIGRATION

KANYANG

MOBILINE PHONE PALS

PAUL ASI TAULAVA

PAULINE HERNANDEZ MATEAKI

RUFUS RODRIGUEZ

SAN DIEGO

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with