^

PSN Palaro

Summer Youth Chess Camp sisimulan na sa Lunes

-
Sisimulan ng Philippine Chess Society ang kani-kanilang kampanya para sa korona sa pagsisimula ng 2001 Summer Youth Chess Camp sa Grandmasters’ Cafe sa Quezon City sa Lunes, Abril 16 simula sa alas-9 ng umaga.

Ang competition, na isang serye ng 13 one-day tournament para sa kabataan (14-under) at junior (20-under) players ay magsisilbing tune-up matches para sa nalalapit na National Age Group Chess Championships na gaganapin sa Mayo 19-26.

Gaganapin ang eliminations para sa Under-14 category sa Abr. 16, 20, 25 at 30. Ang top 10 qualifier sa bawat araw ang siyang uusad sa finals sa Mayo 9.

Para sa Under-20 division, ang competition ay idaraos naman sa Abr. 18, 23, 25 at 27. Ang top 10 finishers sa bawat meet na ito ay magpapakita ng aksiyon sa finals na nakatakda sa Mayo 11.

Bukod sa mahahasa ang kani-kanilang kakayahan at talento, mag-uuwi rin ang top participants ng mga cash prizes, medalya at chess equipment.

Gagamitan ng time-control (para sa above 6-round Swiss tourney) na 30 minutos kada manlalaro. Ang rehistrasyon ay first-come, first-serve basis. Tanging 40 manlalaro lamang ang mabibigyang pagkakataon na lumahok sa bawat event. Ang entry fee ay P50 lamang.

Para sa iba pang impormasyon at sa mga interesadong woodpushers tumawag lamang kay NM Erwin Carag sa (0919) 4236094 o Joey Moseros (0919) 2719305; 9293583 o 4142302.

ABRIL

BUKOD

ERWIN CARAG

GAGAMITAN

JOEY MOSEROS

NATIONAL AGE GROUP CHESS CHAMPIONSHIPS

PARA

PHILIPPINE CHESS SOCIETY

QUEZON CITY

SUMMER YOUTH CHESS CAMP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with