Bulilit Summer Camp sa UP, Los Baños, Laguna
April 12, 2001 | 12:00am
May pagkakaabalahan ang mga kabataang may edad na 6 hanggang 18 gulang sa buong bansa sa paglahok sa taunang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) Bulilit Summer Camp na ginaganap sa Bakers Field ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna.
Ang annual baseball summer camp na ito na nasa ika-15th taon na ay magtuturo sa mga kabataan ng basic techniques sa catching, throwing, base-running, pitching at batting sa ilalim ng pangangasiwa ng mga beteranong coaches na pinangungunahan ng national mentors na sina Rod Valencia at Edgardo delos Reyes.
Ang dalawa ay aasistihan ng mga miyembro ng national team na tumapos bilang ikaapat sa nakaraang Baseball Federation of Asia (BFA) Asian Championship na ginanap sa Taiwan na sina Frank Ramos, Marlon Caspillo, Christopher Jimenez, Arnel Bertuso, Wilfred Hidalgo at Fernando Badrino.
Ang programa na bahagi ng layunin ng PABA na mapaunlad ang kabataan ng libre bagamat kinakailangan gastusan ng mga partisipante ang kanilang board and lodging sa YMCA dormitory.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended