Beteranong siklista, nanguna sa Phil. Cycling Challenge

SUBIC BAY FREEPORT - Pinangunahan ng mga batikang siklistang sina Warren Davadilla at Bernard Luzon ang mga qualifier kasama ang mga Tour of Luzon veteran races na sina Ericson Obosa at Arnel Quirimit para sa Philippine Cycling Challenge sa Subic.

Ang susunod na pagsubok na kakaharapin ng mga nagqualify ay ang 800 kilometrong isang buwang bikathon mula Dagupan City hanggang Northern Luzon na magtatapos sa May 6, 2001.

Magkakaroon ng iba’t ibang legs ang month long circuit na ito at isa nito ay ang Sta. Cruz, Laguna-Subic leg.

"We’re trying to promote Subic as a biker’s haven," pahayag ni Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Felecito Payumo. "The roads and trails that we have makes it an excellent venue for cycling challenges like this one."

Sa naturang qualifying round na hatid ng Philippine Cycling Management Corporation (PCMC), nasubukan ang tibay ng mga racers na kinailangang magtapos ng kanilang best times sa 4-lap challenges.

Show comments