^

PSN Palaro

Welcoat, inaalat pa rin

-
Umahon mula sa 21 point deficit ang Pharmaquick upang hatakin ang laban sa overtime at agawin ang 85-81 panalo kontra sa defending champion Welcoat Paints sa pagpapatuloy ng 2001 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni Bruce Dacia ang Pharmaquick sa paghakot ng 24 puntos buhat sa 8-of-11 field goals shooting tungo sa ikalawang sunod na panalo matapos ang 4 na laro.

Ramdam na ramdam ng Paint Masters ang pagkawala ni Yancy de Ocampo na tinamaan ng siko ni Omanzie Rodriguez 8:02 ang nasa orasan na naging sanhi ng ikatlong kabiguan ng Welcoat sa 4 na asignatura.

Umabante ang Paint Masters sa 58-37, 2:30 ang nasa oras ng ikatlong quarter nang tila naging maamong tupa ang tropa ni coach Junel Baculi sa ikaapat na quarter.

Isang 12-0 run ang pinangunahan nina Chito Lanete at Dacia upang itabla ang iskor sa 69-all na naging sanhi sa overtime.

Isang follow-up ni Dacia sa mintis na basket ni Leo Avenido, 5.6 segundo ang natitirang oras sa labanan.

Buhat sa 81-80 bentahe ng Welcoat matapos ang tres ni Ren Ren Ritualo at umiskor ng three-point play si Avenido buhat sa foul ni Eugene Tan at isang fastbreak ni Jay Lapinid ang sumelyo sa tagumpay ng Drug Specialists. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BRUCE DACIA

CARMELA OCHOA

CHITO LANETE

DACIA

DRUG SPECIALISTS

EUGENE TAN

ISANG

JAY LAPINID

JUNEL BACULI

PAINT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with