IOC President Samaranch darating ngayon
April 10, 2001 | 12:00am
Darating ngayong gabi si International Olympic Committee President Juan Antonio Samaranch sakay ng private jet plane mula Palau island para sa isang araw na opisyal na pagbisita sa bansa.
Nakatakdang makipag-almusal si Samaranch at ang lima niyang kasama sa Philippine Olympic Committee officials sa pangunguna ni Chairman Robert N. Aventajado at president Celso Dayrit, IOC representative to the Philippines Francisco Elizalde, NSA (National Sports Association) presidents at ang mga media bukas bago makipagkita kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa alas-10:30 ng umaga sa Malacañang.
Nakatakda ring umalis agad si Samaranch matapos ang pananghalian. Ang maikling oras na pagbisita ni Samaranch ay di malilimutan sa dahilan isa ito sa kanyang opisyal na gawain bago siya bumababa bilang (IOC) president.
Nakatakdang magretiro ang 81-gulang na si Samaranch ngayong taon matapos na pumalit kay Lord Killanin bilang IOC president matapos ang 1980 Olympic Games sa Moscow.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended