^

PSN Palaro

RP team, di apektado sa gulo ng BAP

-
Bagamat nadawit sa problema sa liderato ng Basketball Association of the Philippines, ipinakita ng RP Team na hindi sila naapektuhan makaraang mapanatili ang kanilang korona sa katatapos na South East Asia Basketball Association men’s championships na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.

"Iyong problemang ‘yun was not only toxic but also stressful," pahayag ni RP team coach Boyzie Zamar. "Kasi talagang napakabigat nito, psychologically, pero nakatulong din yun sa amin para palakasin ang loob namin."

Naitala ng Philippines ang kauna-unahang back-to-back title sa SEABA sa pamamagitan ng 90-73 pamamayani sa kanilang mahigpit na karibal na Thailand noong Sabado na na-sweep din ang kanilang limang games na asignatura sa naturang event.

"Sa mga nangyari, lalong lumakas ang bonding namin. Lalong tumindi ang teamwork namin sa loob at labas ng court." dagdag pa ni Zamar. "The boys really deserves to win. Despite all that happened the last six months."

Pagkatapos malusutan ang kanilang katatagan laban sa krisis ngayon sa BAP, at matapos isabak sa unang giyera isang matayog na ambisyon ang nais nilang maisakatuparan.

Ang pangarap ng tropa ni Zamar na binubuo ng mga players mula sa MBA ay maibalik ang paghahari ng bansa sa Asian Basketball upang muling makalahok ang Philippines sa prestihiyosong olimpiyada.

"Very ambitious talaga ang iuwi ang titulo sa ABC, Kasi nandyan ang malakas na China, Japan at Korea.

Matapos maging finalists sa nakaraang SEABA championships, ang Philippines ay nakakuha ng slot para sa ABC men’s championship na gaganapin sa Shanghai, China sa Hulyo. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ASIAN BASKETBALL

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BOYZIE ZAMAR

CARMELA OCHOA

KASI

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with