^

PSN Palaro

Singapore team, 3rd placer sa 4th SEABA Men's Championship

-
Naitakas ng Singapore ang 81-78 overtime panalo kontra sa Indonesia upang mapasakamay ang konsolasyong ikatlong posisyon sa pagsasara ng 4th Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Men’s Basketball Championship sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Pinangunahan ni Kon Meng ang Singapore sa paghakot ng 32- puntos upang makabawi ang koponan sa kanilang nalasap na pagkatalo kontra sa Thailand na naging dahilan ng kanilang pagkakasibak sa finals.

Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang nakikipaglaban ang Philippines sa Thailand na hangad maitala ang kauna-unahang back-to-back title sa torneong ito.

Matapos makapasok sa kampeonato, ang RP Team at Thailand sila ay kasama na para sa Asian Basketball Association (ABC) Men’s Basketball Championship na gaganapin sa Shanghai, China sa July.

Ang 1996 Champion na Indonesia ay nagtapos bilang fourth placer habang ang ikalimang puwesto ay nakuha naman ng Malaysia matapos igupo ang Vietnam sa unang laro, 73-59.

Nabalewala naman ang 22 puntos ni D. Soemargo ng matalo ang kanyang koponan.

ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION

BASKETBALL CHAMPIONSHIP

HABANG

KON MENG

MATAPOS

NABALEWALA

NAITAKAS

PINANGUNAHAN

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SOUTHEAST ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with