Pinoy gaganti sa Indons
April 6, 2001 | 12:00am
Pagkakataon na ngayong maibaon sa limot ni RP coach Boysie Zamar ang di pa rin malilimutang kabiguan at makaganti sa Indonesia.
Nakatakdang harapin ngayon ng defending champion Philippines ang Indonesia sa crossover semifinals ng South East Asia Basketball Association (SEABA) mens basketball championships na ginaganap sa Rizal Memorial Coliseum.
Taong 1996 nang matalo ang RP team kontra sa Indonesia para sa titulo ng torneong ito na ngayon ay nasa ikaapat na edisyon na.
Ang naturang runner-up team ng ikalawang edisyon ng torneo na ginanap sa sariling lugar ng Indons sa Serabaya, si Zamar ay assistant coach pa lamang ni Dong Vergeire.
Kaya naman maaari nang makaganti ngayon si Zamar sa alas-3:30 ng hapong pakikipagharap sa Indons pagkatapos ng engkuwentro ng Thailand at Singapore sa pambungad na laban sa ganap na ala-1:30 ng hapon.
Ang mananalo sa dalawang labanang ito ay siyang maghaharap para sa titulo sa championship round na gaganapin bukas at ang matatalo na-man ay maglalaban para sa konsolasyong third place.
Nagtapos ang RP team bilang no. 1 sa Group A kasunod ang Singapore habang nanguna naman ang Thailand sa Group B at no. 2 ang Indonesia.
Base sa format, ang no. 1 team ay haharap sa no. 2 squad ng kabilang grupo sa quarterfinals kung saan matutukoy ang mga finalists.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am