Pioneer binuhusan ng Ana Freezers
April 6, 2001 | 12:00am
Siniguro ni team owner Rudy Mendoza na bigyan ng magandnag debut game ang kanyang sarili bilang mentor ng Ana Freezers nang kanya itong ihatid sa 71-66 panalo kontra Ateneo-Pioneer sa pagpapatuloy kahapon ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.
Ang panalo ay ikalawa sa kanilang tatlong laro na naglagay sa Freezers Kings sa solong ikatlong posisyon, habang nalasap naman ng Ateneo ang kanilang unang kabi-guan matapos ang unang panalo.
Para kay Mendoza ang panalong ito ng kanyang koponan ay hindi naging madali at kinailangan niyang kumuha ng ilang pointers sa kalabang coach na si Joe Lipa ng kabilang koponan.
Mula sa 63-56 kalamangan, nagawang makalapit ng Ateneo sa pagtutulungan nina Enrico Villanueva, Andrew Cruz at Rainier Sison nang magbaba sila ng 10-4 rally at makalapit sa isang puntos na lamang, 66-67, patungong 1:17 oras ng labanan.
Muling nagbanta ang Pioneer Insurers nang mapasakamay nila ang possession matapos na supalpalin ni Villanueva si Ariel de Castro, ngunit dahil sa pagmamadali, siya ay tinawagan ng travelling violation na siyang naging mitsa ng kanilang pagkatalo.
At sa sumunod na tagpo, hinigutan ni assistant playing coach Rey Mendez ng foul si Sison na dahilan para tumapak ang una sa charity lane.
Kapwa isinalpak ni Mendez ang dalawang free throws para sa panigurong 69-66 kalamangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended