Executive Chess Days sisimulan na

Makaraan ang anim na buwang pagliban ng Executive Chess Days tournament, ito ay magsasagawa ng kanilang pagbabalik bukas sa grandmaster’s cafe na matatagpuan sa no. 71 Timog Avenue, Quezon City.

Magsisimula ang Valucare-sponsored event na inorganisa ng Philippine Chess Society sa ala-una ng hapon at ito ay bukas para sa lahat ng chess-loving executives at businessmen.

Ang naturang seven-round Swiss system tourney ay gaganapin tuwing unang Sabado ng buwan na may nakatayang P4,000 na ang kampeon ay tatanggap ng P2,500.

Show comments