Ang mga kandidata ng Ms. PBA ay parte ng ibat ibang aktibidades at makikita sila sa mga campus, mga malls at mga music bars sa buong Kamaynilaan upang ipromote ang physical fitness na isang mahalagang katangian ng tunay na beauty queen.
Ang hihiranging Ms. PBA ay mag-uuwi ng P500,000 bukod pa rito ang magandang oportunidad na makapag-host ng TV show, lumabas sa mga TV commercials at maging isang sikat na modelo.