Ito ang matutunan ng tinatayang 250 atletang makikibahagi sa 3rd Summer Youth Training Camp na inilunsad kahapon sa Medalya room ng Rizal Memorial Sports Complex administrative building.
Si Keon na namuno ng Gintong Alay Project na pinagmulan ng mahuhusay na atleta ay kinuhang consultant ng Philippine Sports Commission at ang Camp director ng naturang event.
" I have a particular brand of dealing with kids," ani Keon ang kasalukuyang sports coordinator ng Ilocos Norte kung saan gaganapin ang training camp sa Abril 18 hanggang Mayo 9.
Pormal na nilagdaan kahapon ni Keon ang kanyang kontrata sa PSC sa launching ng Summer Training Camp kahapon.
Si Keon ay kilala sa pagtuturo ng disiplina at dedikasyon sa mga atleta sa ilalim ng Gintong Alay Program kung saan nagmula sina Lydia de Vega Mercado, Isidro del Prado, Hector Beguio, Christine Jacobe, Billy Wilson, Dyan Castillejo, Felix Barrientos at iba pa.
Ang mga inimbitahang 16-gulang at pababang kabataan, ay mga pawang gold at silver medalist sa Palarong Pambansa at Batang Pinoy.
Ang training na ito ay para sa mga track and field athletes at swimmers lamang dahil ito ang mga medal rich events sa mga multi international events, ngunit kung makakalikom ng mas malaking budget ay posibleng madagdagan ito sa susunod na taon.
Bukod sa mga training, mayroon ding lectures sa values formation, personality at social development upang matutunan ng mga partisipante ang hirap ng pagiging national team member.