^

PSN Palaro

Arevalo, di umubra kay Hsieh

-
Kinumpleto ng second seed Hsieh Suwei ng Taiwan ang pangmomolestiya sa Filipinos kahapon nang kanyang pataubin si Czarina Mae Arevalo, 6-2, 6-3 upang pamunuan ang mga paborito sa quarterfinals ng 12th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships.

Hindi inalintana ni Hsieh, ranked 23rd sa world juniors ang init sa Rizal Memorial Tennis Center at ang mga hiyawan ng mga manonood para kay Arevalo upang tapusin ang laban sa isang oras at itakda ang kanyang pakikipaglaban kontra eight seed Pichaya Laosirichon ng Thailand na nagtala ng 4-6, 6-2, 6-3 tagumpay kontra Australian Sevvy Gallos.

Ang iba pang umusad sa quarterfinals sa girls division ay sina top seed Angelique Widjaja ng Indonesia at ang dalawang top seed sa lalaki na sina Jonathan Chu at Prakash Amritraj ng Amerika.

Pinatalsik ni Widjaja ang Thai’s na si Montinee Tangphong, 6-2, 6-1 upang isaayos ang kanyang pakikipaglaban kontra Australian Adriana Szili na nanaig naman kontra Indian’s Megha Vakarra, 6-1, 6-3.

Tinalo ni Chu si Jan Stancik ng Slovakia, 5-7, 6-4, 6-3 habang ginapi ni Amritraj si Nishank Mishra ng India, 6-1, 6-2.

ANGELIQUE WIDJAJA

AUSTRALIAN ADRIANA SZILI

AUSTRALIAN SEVVY GALLOS

CZARINA MAE AREVALO

HSIEH SUWEI

JAN STANCIK

JONATHAN CHU

MEGHA VAKARRA

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL JUNIOR TENNIS CHAMPIONSHIPS

MONTINEE TANGPHONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with