Malaysia pinabagsak ng Pinoy sa SEABA

Kinumpleto ng Philippines ang 3-0 sweep sa eliminations ng Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Men’s basketball championships sa pamamagitan ng 91-43 pamamayani kontra sa Malaysia kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Rizal Memorial Coliseum.

Bunga nito, pormal na nakopo ng Philippines ang no. 1 slot sa Group A pa-tungong crossover semifinals kung saan makakalaban ng no. 1 team ang no. 2 koponan ng kabilang grupo.

Sa kabila ng lahat, ayaw pa ring maging kumpiyansa ni RP coach Boyzie Zamar at sa katunayan ay hindi ito nakuntento sa naging performance ng RP squad na binubuo ng mga players mula sa Metropolitan Basketball Association lalo na sa turnover.

Bagamat walang laro ngayon ang mga Pinoy, ay hindi ito oras ng kanilang pamamahinga kundi mag-scout ng coaching staff at kailangang magpakondisyon para sa kanilang makakalaban sa semis round.

Kapwa nakatitiyak na sa susunod na round ang Thailand at Indonesia na nagtala ng 91-43 pananalasa sa Brunei, sanhi ng kanilang 1-0 record ngunit ang kanilang pagsasa-gupa bukas ang tutukoy ng kanilang placings.

Show comments