Ngunit inaasahang mahigpit na laban naman ang ibibigay ng Pharmaquick sa pang-alas-5:30 ng hapong sultada upang makabangon sa kanilang unang kabiguan.
Mahigpit na paborito ang Shark na maiguhit ang kanilang ikatlong sunod na ta-gumpay matapos ang kanilang pamamayani kontra sa defending champion Welcoat Paints, 75-62 noong opening at Ana Freezers, 70-61 noong Huwebes ng gabi.
Gayunman, naniniwala pa rin si coach Leo Austria na kailangan nilang maglabas ng panibagong taktika dahil siguradong pinaghandaan na sila ng Pharmaquick.
At dahil sa pagkakadagdag nina Bruce Dacia at Omanzie Rodriguez sa line-up ng Pharmaquick, inaasahang magbibigay ito ng karagdagang lakas para tapatan ang agresibong opensa ng Shark.
Nauna rito, maghaharap naman ang Giv at Osaka sa unang laro, dakong alas-3:30 ng hapon. (Ulat ni Maribeth Repizo)