Inaasahang dadalo si Bel-monte, isa sa ipinagmamala-king anak ng Quezon City sa isang simpleng opening ce-remonies sa ala-1 ng hapon upang pamunuan ang hosti-lidad ng susunod na yugto ng naturang tournament na inor-ganisa ng National Chess Federation of the Philippines.
Dadalo rin sa pagtitipon si Horace Templo, SSS executive vice president na siyang nakatakdang gumawa ng ce-remonial moves kasama si Belmonte.
Isasagawa naman nina Grandmasters Eugene Torre, Joey Antonio at Bong Villa-mayor ang kani-kanilang debut upang makasama ng iba pang lahok na nag-qualified mula sa elimination series na nagtapos noong Sabado.
Mahigpit na makakalaban ng tatlo para sa P130,000 premyo sina FIDE Master Ildefonso Datu at National Master Emmanuel Senador na nagsosyo sa karangalan sa pagtatapos ng elimination round noong Sabado.
Sa babae maglalaban naman sina Daisy Rivera, IM Christine Rose Mariano, FIDE Master Arianne Caoli at NM Beverly Mendoza. (Ulat ni Maribeth Repizo)