Japan reyna sa Asian Women's Championship ng Nestea Beach Volleyball

Siniguro ng superpower Japan 1 na hindi makakatakas sa kanilang kamay ang titulo nang pabagsakin nila ang mahigpit nilang karibal na China 2 at iuwi ang korona ng Nestea Asian Beach Volleyball championships na nagtapos kahapon sa CCP Complex.

Magaan na pinayuko ng tambalang Ryoko Tokuno at Chiaki Kusuha-ra ang mas batang parehas at crowd-drawer na sina You Wenhui at Pan Wenhui, 21-15, 21-14 para sa korona at hala-gang $3,000 pa-premyo.

Ang Japan 1, gold medalist noong 1998 Bangkok Asian Games ay tumuntong sa finals makaraang sorpresahin ang 1998 Asian Games gold medalists team ng Thailand 1 na sina Manat-sanan Pangka at Ratta-naporn Arlaisuk sa kani-lang semifinals match.

Tinalo naman ng China 2 ang kanilang mga kababayan na sina Han Bo at Sun Jing para makuha ang karapatang lumaban sa finals.

Gayunpaman, nakabawi din ang China 1 sa kanilang malungkot na kabiguan nang gapiin nila ang Thailand 1 sa isang marathon na laban para sa third place sa 32-30.

Ang Nestea Loves the Beach program ay magsasara sa pagtatanghal ng semifinals at finals ng Nestea Beach Volleyball University Challenge na nakatakda sa Abril 21-22 sa Boracay. (Ulat ni Dina Marie Villena)

Show comments