Indons, balakid sa kampanya ng RP-5
April 1, 2001 | 12:00am
Panibagong sakit ng ulo ang ibibigay ng veteran Indonesian team sa coach ng Philippine team na si Dave Zamar.
At naiintindihan niya ito.
Ang Indons ay babanderahan ng mga mahuhusay na shooters na sina Romy Chandra at Antonius Ferry Rinaldo na sila ring nakaharap ng grupo nina Danny Ildefonso sa finals ng 1996 South East Asia Basketball Association (SEABA) Mens Championships sa Surabaya, Indonesia.
At ito ang dahilan kung bakit kailangan ng team captain na si Rommel Adducul ng dobleng pag-iingat ang gawin upang makaiwas ang kanilang koponan sa tiyak na pagkatalo sa mga kamay ng Indons.
Nakatakdang dumating ngayong araw ang Indonesia sa dalawang batch para sa eksaktong pagbubukas ng 4th SEABA Mens Basketball Championship sa Rizal Memorial Coliseum bukas.
Naniniwala rin si Zamar na bukod sa Indonesia, mahigpit rin nilang makakalaban ang koponan mula sa Singapore, Thailand at Malaysia.
Ang Singapore ay pangungunahan ng naturalized Chinese players, habang ang Thailand ay babanderahan nina Boonchuy Popark at Dilip Rai at buo pa rin ang kanilang koponan na kanilang isinabak sa 1998 Bangkok Asiad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended